passport
By

Passport appointment website ng DFA, nag-crash

Sharing is caring!

Dismayado ang mga gustong mag-apply ng pasaporte nang mag-crash ang website ng passport appointment system ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes ng gabi.

Nabatid na bumungad ang error message na “the service is unavailable” sa maraming aplikante na bumisita sa website na www.passport.gov.ph sa pag-asang makakakuha sila ng appointment slot.

Una rito, inanunsyo ng DFA na magbubukas sila ng 100,000 appointment slot, ang unang 50,000 batch ay binuksan sa publiko 12:00 ng hapon at ang pangalawang 50,000 slots ay binuksan 9:00 ng gabi.

Pero hindi na makapasok ang mga aplikante sa website nang pumatak ang 10:00 ng gabi.

Dahil dito, nagpahayag ng kanya-kanyang pagkadismaya ang mga netizen sa kanilang karanasan sa social media.

Naibalik naman ang serbisyo ng website pero ubos na ang mga slots.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?