20

By

Pasonanca Dam sa Zamboanga, nasa critical level na

Sharing is caring!

Nasa critical level na o nasa 76.60 meters na ang taas ng Pasonanca diversionary dam sa Zamboanga City.

Batay sa abiso ng Zamboanga City Water District (ZCWD) maituturing na critical level na ang 76.60 dahil ang normal level nito ay 74.20 meters lamang kaya naman agag na iniutos ng pamahaaan na isalba nang maaga ang mga residenteng naninirahan malapit sa mabababang lugar bilang paghahanda sa pagbayo ng bagyong Ompong.

Nakaantabay na rin ang City Disaster Risk Reduction and Management Office para sa pag-monitor ng mga lugar na posibleng bahain. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?