10

By

Pasok sa Senado suspendido

Sharing is caring!

Dahil sa masungit na panahon, sinuspinde ni Senate President Vicente Sotto III ang pasok sa Senado epektibo alas-11 ng umaga.

Ikinonsidera na apektado ng mga pagbaha ang kalahati ng mga empleyado ng Senado.

Dahil dito, kanselado ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ukol sa pagrepaso sa mga ranggo sa Philippine National Police (PNP).

Wala na ring plenary session ang mga senador.

Ayon kay Sotto, ngayon lang siya nagsuspinde ng pasok dahil tinantya pa nila na gaganda ang panahon ngayong Lunes.

Samantala, kanselado rin ang dapat sana ay pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations ukol sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Hindi ito dahil sa masamang panahon kundi dahil masama ang pakiramdam ni Sen. Loren Legarda na mayroon umanong sore throat.

Siya ang chairman ng Senate Committee on Foreign Relations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?