52

By

Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila sinuspinde ng Malacañang

Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila ngayong Martes, April 23.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang suspensiyon ay batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para mapagaan ang pasanin ngayong Martes ng public transport system sa harap na rin ng epekto ng malakas na lindol Lunes ng hapon.

Sinabi ni Panelo na iniutos din ng Pangulo sa lahat ng mga gobernador na apektado ng lindol na agad i-asses ang pinsalang tinamo sa kanilang nasasakupan at ipatupad ang mga nararapat na hakbang para sa kaligtasan ng kanilang mamamayan.

“Per Executive Secretary Salvador Medialdea as recommended by the NDRRMC and in order to ease up the load of the public transport system, work in government in Metro Manila is suspended on 23 April 2019. The President has directed the Governors of the affected provinces to assess the damage sustained by their respective localities and take the necessary measures to ensure public safety,” ani Panelo.

Matatandaang itinigil ang operasyon ng railway system sa Metro Manila partikular ang Metro Rail Transport (MRT) at Light RailnTransit (LRT) pagkatapos ng naramdamang malakas na lindol Lunes ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?