4
manila-city-hall
By

Pasok sa Manila City Hall, suspendido na

Sharing is caring!

Kasunod ng anunsiyo mula sa Malacañang, nagpasya ang pamahalaang lungsod ng Maynila na suspendihin na rin ang pasok sa Manila City Hall kaninang alas-tres ng hapon.

Sa impormasyon na ipinabatid ng Manila Information Office, iniutos naman ng Manila City Hall na mag-deploy ng skeletal force ang Manila Department of Engineering and Public Works, Manila Health Department, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, Manila Traffic and Parking Bureau at Department of Public Services.

Ito ay para matiyak na mayroong reresponde sakaling magkaroon ng emergency situation sa lungsod.

Samantala, kinumpirma naman ng De La Salle University na suspendido na ang klase pati na ang pasok sa trabaho sa kanilang mga campus sa lungsod ng Makati at sa Bonifacio Global City sa Taguig City, alas-tres din ng hapon kanina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?