Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribadong paaralan, ngayong Agosto 3 dahil sa malalang trapik na dulot ng pagbaha.
“#WalangPasok – Due to heavy traffic caused by flooding, Mayor Herbert Bautista has ordered the suspension of classes, all levels, both public and private, effective immediately,” anang @QCPublicAffairs sa Twitter.
Sa ilang video makikita na pumasok na sa ilang mga bahay sa lungsod ang tubig-baha.
Ilang residente naman sa lugar ang pilit tinatawid ang hanggang beywang na baha na dulot ng malakas na ulan mula pa kaninang hatinggabi sa naturang lungsod.