64

Jan 4, 2018 @ 9:47
By

Pasok sa korte sa Maynila suspendido sa Enero 9

Suspindido na rin ang trabaho sa mga hukuman sa Lungsod ng Maynila kabilang na ang pasok sa Korte Suprema, Court of Appeals at mga trial court sa lungsod sa Enero 9, 2018, Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Ang anunsiyo ay ginawa ng Supreme Court Public Information Office alinsunod sa kautusan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Inaasahan na kasi ang mabigat na daloy ng traffic sa Maynila sa January 9 dahil sa prusisyon ng Poong Itim na Nazareno na inaasahang daragsain ng milyun-milyong deboto.

“Anticipating difficulty to travel to and from the courts located in the City of Manila due to the annual procession of the Black Nazarene, the Chief Justice suspended in the Supreme Court, Court of Appeals and the Trial Courts in the First and Second Level in the City of Manila on the 9th of January 2018 (Tuesday),” ang anunsyo ng Korte Suprema.

Nauna nang nag-anunsyo ang Lokal na Pamahalaan ng Maynila ng suspensyon sa pasok ng mga estudyante sa lahat ng antas at eskwelahan sa lungsod, pati na rin ang trabaho sa Manila City Hall dahil sa Traslacion 2018 sa January 9. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?