36
malacanang
By

Pasok sa gobyerno, half-day ngayong Miyerkoles Santo

Sinuspende ng Malacañang ang pasok sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno ngayong Miyerkoles Santo, simula alas dose ng tanghali.

Nakapaloob ito sa inilabas na memorandum circular no. 60 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Layon nito na makapaghanda ang mga kawani ng gobyerno sa pag-obserba sa Semana Santa at para maagang makabiyahe partikular ang mga uuwi sa mga lalawigan.

Gayonman, hindi kasali dito ang mga tanggapang ang mandato ay may kinalaman sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo gaya ng mga pampublikong hospital, Bureau of Fire pati na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/ responses to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services,” ani Medialdea.

Ipinauubaya naman ng Malacañang sa mga pribadong kompanya ang pagpapasya kung magsususpinde rin ng kanilang pasok ngayong Miyerkoles Santo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?