18

By

Pasok sa ehekutibo, klase sa mga paaralan sinuspinde ng Malacañang

Sharing is caring!

Kinansela na ng Malacañang simula alas-tres ng hapon ngayong Lunes ang pasok ng mga tanggapan sa ehekutibo at klase ng mga estudyante sa lahat ng antas sa Metro Manila.

Sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 46 ng Office of the Executive Secretary, ang suspensiyon sa pasok sa ehekutibo at mga estudyante ay ibinatay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Managenent Council dahil sa pabago-bagong kondisyon ng panahon.

Gayunman, hindi sakop ng suspensiyon ang mga ahensiyang naghahatid ng mga pangunahing serbisyo gaya ng mga ospital, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at disaster preparedness agencies.

“Pursuant to the recommendation of the National Disaster Risk Reduction & Management Council and expected inclement weather, the Executive Secretary has issued Memorandum Circular (MC) 46 suspending work in the executive department and classes in all levels starting 3pm today (June 11).

“Agencies of the government involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness, and other vital services shall continue with their operations,” ang nakasaad sa MC 46.

Ipinauubaya na ng Malacañang sa mga pribadong kumpanya ang pagpapasya kung sususpendihin ang pasok ng kanilang mga empleyado.

“We leave the suspension of work for private companies and offices to the sound discretion of their companies/employers,” ayon pa sa MC 46.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?