196

By

Pasok sa banga! Robredo nasiyahan sa endorso ni Duterte kay Roxas

Sharing is caring!

Nagalak si Vice President Leni Robredo sa pag-eendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kapartido na si Mar Roxas na tatakbo bilang senador sa 2019 elections.

Patunay aniya ito na qualified ang opposition senatorial bet, na kahit katunggali ng Pangulo ay inendorso pa rin ito.

“Masayang balita iyan. Masayang balita na in-endorse ni Pangulong Duterte si Secretary Mar for the Senate. Affirmation iyon na very much qualified, walang duda iyong qualifications, dapat talagang tulungan,” sambit ni VP Leni.

Sa naging speech ni Duterte sa Boracay, sinabi nito na aprub sa kanya kung iboto ng mga Pinoy ang kanyang dating nakalaban sa 2016 presidential elections.

“Vote for Roxas, Ilonggo eh. Iboto ninyo, walang problema ‘yan,” ayon kay Duterte.

Nang maitanong si Roxas tungkol sa kanyang opinion sa tinuran ni Duterte, ito ang kanyang naging tugon.

“Totoo ba yan? Kasi wala akong personal knowledge. Kung totoo, maraming salamat kay Pangulong Duterte kung ganoon man ang sinabi niya tungkol sa akin,” pakli ni Roxas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?