42

Dec 27, 2020 @ 18:17
By

Paslit todas sa pagsabog ng gas tank

Patay ang isang 10-anyos na lalaki matapos na sumabog gas tank na puno ng helium sa Norala, South Cotabato nitong Linggo.

Dineklarang dead-on-arrival si Jeffren John Cabuhay nang biglang pumutok ang isang gas tank na ginagamit para sa mga lobo sa isang party, ayon kay Norala police chief PMaj. Bernie Faldas.

Aniya, nangyari ang aksidente sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan, pasado alas-9 ng umaga.

Apat naman ang nasaktan sa naturang pagsabog, na kinilalang sina Nelfren at Geraldine Cabuhay, magulang ng yumaong bata; pati ang dalawang kapatid nito at isa pang kalaro.

Negosyo ng pamilya ang pagbebenta ng lobo sa kanilang barangay.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung anong dahilan ng pagsabog ng gas tank.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?