43

Jun 17, 2022 @ 11:03
By

Paslit binugbog ng kalaro, tigok

Patay ang isang bata matapos pagsuntok-suntukin ng kalaro dahil aksidente nito umanong natamaan ang bayag habang naglalaro ng basketbol sa Tanay, Rizal nitong Huwebes.

Namatay ang biktimang itinago sa pangalang ‘Josh’ habang ginagamot sa Rizal Provincial Hospital.

Naganap ang insidente sa Sitio Bathala, Brgy. Plaza Aldea bandang alas-12:30 ng tanghali.

Naglalaro ang dalawa ng basketbol nang aksidenteng matamaan ang ari ng suspek.

Nagtalo ang dalawa hanggang sa pinagsusuntok na ang biktima.

Nakalipas ang 3 araw ay nakaranasan ng matinding sakit ng katawan si Josh kung kaya dinala agad sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?