3

Oct 12, 2020 @ 12:05
By

Pasko ngayong taon maulan

Tatama ang kasagsagan ng La Niña phenomenon sa pagitan ng Nobyembre at Disyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Posible itong magtagal nang hanggang Abril 2021, sabi ni Pagasa climate monitoring chief Analiza Solis ngayong Lunes.

“Based po sa recent conditions, nakikita po natin yung kasagsagan ng La Niña between November, December. Posibleng magtagal po at least hanggang April next year,” sambit ni Solis sa Teleradyo, Oktubre 12.

“Kumbaga po favorable at ma-maximize natin yung potential benefits ng La Niña. Kailangan lang po, maiwasan natin yung mga adverse impacts nito na mga flooding and landslides,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?