29

Jan 11, 2021 @ 11:11
By

Pasig, San Juan, Mandaluyong bibili na ng AstraZeneca vaccine

Sunud-sunod ang pag-anunsiyo ng mga lokal na gobyerno sa Metro Manila na tiniyak na nila ang bakuna kontra COVID-19 na ituturok sa kani-kanilang mga mamamayan.

Kabilang na rito ang Pasig, San Juan, at Mandaluyong na pawang pumirma na ng tripartite agreement sa pambansang pamahalaan at sa AstraZeneca para sa paunang pagbili ng bakuna.

“Pasig ordered 400K doses (*100M pesos). Actual quantity & date of delivery will depend on several factors. We’ll buy from others too as opportunities arise,” tweet ni Mayor Vico Sotto, Lunes.

Samantala, inanunsiyo ni San Juan Mayor Francis Zamora na naglaan sila ng P50 milyon para sa pagbili ng bakuna na libreng ituturok sa mga San Juaneño.

Handa aniya ang local government na dagdagan ang pondo kung kukulangin ang P50 milyon.

“This is just the beginning of our efforts to provide a safe vaccine against COVID-19 to our constituents in San Juan City. AstraZeneca is a trusted institution that partnered with Oxford University in the United Kingdom to come up with an effective vaccine to finally put this pandemic behind us,” ani Zamora sa Facebook ngayon ding araw.

“This will be given for FREE to all San Juaneños who will register with the San Juan City Government and signify their intention to be vaccinated based on a prioritization list given by the IATF,” dagdag niya.

Samantala, napaulat ding kinumpirma ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang pagpirma sa tripartite agreement.

Naglaan aniya ang lokal na gobyerno ng P200 milyon para sa pagbili ng mga coronavirus vaccine.

Hindi naman tinukoy ng alkalde kung gaano karaming doses ng bakuna ang nakasaad sa kasunduan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?