126
pasig-river1
Sep 17, 2019 @ 21:20
By

Pasig River, walang pag-asang malinis – Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng buwagin niya ang Pasig River rehab body at iatang ang rehabilitasyon ng ilog sa Department of Environment and Natural Resources.

Sinabi rin niyang hindi malilinis nang tuluyan ang Pasig River.

“‘Yang Pasig na ‘yan ‘di mo malinis ‘yan because wala naman tayong zoning. ‘Yung mga lumalabas sa bahay at factory sa Pasig napupunta. Panahon pa ni Rizal,” saad ni Duterte sa oath-taking ng mga bagong appointed official sa Malacañang.

“How can you clean that? Kaya itong commission sa Pasig, tanggalin ko na ito, place it under Gen. Cimatu sa DENR. ‘Di mo malinis talaga ‘yan,” dagdag pa niya.

Ang Pasig River Rehabilitation Commission ay nabuo sa pamamagitan ng executive order na pinirmahan ni noo’y Pangulong Joseph Estrada para linisin ang naturang ilog na nagdudugtong sa Laguna de Bay at Manila Bay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?