272

Sep 19, 2019 @ 11:14
By

Pasig River walang pag-asang luminis – Duterte

Kung sa panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay na-rehabilitate nito ang Manila Bay at Boracay, malabo umano itong magaya sa Pasig River.

Ayon kay Duterte, hindi na malilinis ang Ilog Pasig dahil matagal na panahon pa umano itong nakontamina buhat pa ng pananakop ng mga Kastila.

“‘Yang Pasig na ‘yan, hindi mo malinis ‘yan because wala naman tayong zoning. Panahon pa ni Rizal, ang poo ng mga Espanyol noon, diyan sa Pasig pumupunta,” pahayag ni Duterte.

Isa pang suliranin sa nasabing Ilog ay napapalibutan ito ng mga factory na ang iba ay dito na nagtatapon ng mga nakasisirang kemikal.

“Over the years, ang labasan ng mga factory, mga bahay, lahat, Pasig River. O how you can — you clean that? Useless. Hindi mo malinis talaga ‘yan,” aniya pa.

Solusyon ni Duterte, ilipat ang mga naninirahan malapit sa Ilog Pasig lalo na ang mga factory kung nais talagang maibalik ang dating kinang nito.

“Kung meron mang — mayroon ka ng overtime, you have to overhaul the entire city. Unless you build new cities outside at mag-migrate and there’s a lessening of you know, people here, maybe you can start. But you can start with the factories. They are all chemicals there,” saad ng Pangulo.

“But you know what, mga sundalo ko sa likod. Ako I’m just near the Pasig River. Naliligo ako minsan diyan kung gusto ko ng bacteria sa katawan for immune — para ma-immune ako,” biro pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?