142
pasig-river
Apr 5, 2018 @ 13:13
By

Pasig River muling bubuhayin

Itutuloy ang mga naudlot na programa para sa pagpapaganda ng Pasig River matapos aprubahan at laanan ng pondo ng pamahalaan ang River Ferry Convergence Program.

Umaabot sa P1 trilyon ang pondong inilaan para sa River Ferry Convergence Program na nakapaloob sa 2018 budget ng administrasyong Duterte para sa programang imprastraktura.

Kasama sa pagpapalakas ng Pasig River Ferry ay ang pagdadagdag ng bilis ng lahat ng ferries, pagsasaayos sa infrastructure katulad ng pagtatayo ng mga karagdagang terminal at paglalagay ng recreation and leisure at pagtatayo ng parks sa magkabilang pampang ng ilog, pagsusulong ng environmental protection, kasama na ang pagpapaganda, kaayusan at kalinisan ng Pasig River.

Nabatid na ang Department of Budget and Management ang mangunguna sa proyekto katuwang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan kung saan magsasagawa muna ng ocular inspection ang ilang miyembro ng technical working group para tuluyang maisaayos ang nabanggit na ilog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?