74

Jan 31, 2020 @ 14:54
By

Pasig Police siningil ang bagong armas, mobile cars kay Vico

Umaasam ang pamunuan ng Pasig City Police na mabibigyan sila ng mga armas at mobile police matapos ipangako sa kanila ni Pasig Mayor Vico Sotto na maglalaan ang pamahalaan ng mga kagamitan para sa kapulisan.

Base sa nakasaad na Facebook post ng alkalde, “[t]he LGU commits to give our policemen better support this 2020. We are making sure they have the resources they need to help us maintain peace and order.”

Ito, matapos ang naganap na annual report ng Pasig Police sa Pasig government kung saan ini-report ni Pasig Police Chief Col. Moises Villaceran Jr. na malaki ang tinaas ng kanilang crime clearance efficiency rate: mula 88%, naging 92%.

Ayon pa kay Villaceran, malaki ang improvement na naganap noong July-December 2019 kumpara sa July-December 2018 kaya naman natuwa umano si Sotto at pinangakuan sila na bibigyan ng mga bagong baril at bagong mobile police.

Nangako rin umano ng dagdag na 30 units ng motorsiklo para sa agarang follow-up investigation.

Kasunod nito, nakatakdang sumailalim sa proficiency training on firearms ang mga tauhan ng Pasig Police para mahasa umano ang mga tauhan sa pagresponde sa anumang police emergency na isa pa sa isasagawa umano ng alkalde.

Sinubukang hingin ng Abante ang panig ni Sotto, ngunit hindi ito nagpaunlak sa panayam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?