10

Sep 17, 2020 @ 0:02
By

Pascual mag-iiwan ng marka

Walang ibang hangad si San Beda Red Cubs team skipper Jose Miguel ‘Migs’ Pascual kundi ang matuloy ang 96th NCAA high school basketball tournament 2020-21 season upang maipamalas ang kanyang talento.

Huling taon na ang paglalaro sa Asia’s oldest collegiate league ng 19-year-old, 5-foot-11 point guard para sa Mendiola-based squad dahil magtatapos na siya ng senior high.

Nagkampeon ang Beda sa Season 95 kung saan kasama sina Rhayyan Amsali, Yukien Andrada, Justin Sanchez at Winston Ynot na pawang mga graduate na.

Isang Batang Gilas din si Pascual na kinatawan ang bansa sa sa 4th SEABA Under-16 Championship 2017 sa Quezon City at sa 5th FIBA World Cup Under-17 2018 sa Argentina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?