37

Feb 27, 2021 @ 20:14

Pascual balik aksiyon

MAY liwanag sa dulo ng tunnel.

Matapos ang tatlong taong pagkatengga sa basketball, magbabalik ang dating pro na si Ronald Pascual, na nakatakdang maglaro para Pampanga Delta sa National Basketball League (NBL).

“Kinuha siya ni Boss Dennis Pineda. Pinaglalaro siya sa NBL dito sa Pampanga para mabalik naman yung sistema na ginagawa niya dati,” sabi ni PBA star at kaibigan ni Pascual na si Calvin Abueva sa report ni veteran sportswriter Gerry Ramos.

Dumaan si Pascual sa matinding depresyon noong isang taon dahil sa mga personal na problema. (Abante/Tonite Sports)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?