10

By

Pascua sa Lady Maroons: Hindi pa tapos ang laban!

Sharing is caring!

Nagbabala si Far Eastern University Lady Tamaraws coach George Pascua sa University of the Philippines na huwag munang magsaya dahil hindi pa tapos ang laban.

Nakaisa na ang Lady Maroons kontra Lady Tamaraws sa Game 1 ng best-of-three finals series ng Premiere Volleyball League Collegiate Conference Season 2 noong Linggo sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

“Sabi ko nga ‘yung UP ‘di pa time to celebrate kasi long journey pa. Sabi ko sa kanila ‘di natatapos ‘yung labanan ngayon, nag-uumpisa pa lang kumbaga bonus lang ‘yung binigay namin sa kanila,” saad ni Pascua.

Sinabi din ni Pascua na kayang-kayang bumalik ng kanyang mga bata dahil sa karanasan ng mga ito at malaki ang tiwala nito na makakabawi ang mga ito gaya ng ginawa nito sa semis kontra UST.

“Subok ‘yung team ko na kahit nu’ng semis Game 1 nakuha ng UST,” dagdag nito. “Heto, hopefully, by (Game) 2 and 3 makuha namin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?