25

Sep 8, 2021 @ 14:49
By

Pasay solon nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Pasay City Rep. Antonino Calixto.

Nagkaroon umano ng ubo si Calixto noong Lunes kaya siya ay nagpatingin. Lumabas sa resulta ng swab test na siya ay positibo kaya agad siyang nag-isolate.

Ang kanyang pamilya nagpa-swab test din at sila ay nagnegatibo pero sila ay sasailalim pa rin sa 14-araw na quarantine.

Ang mga naka-trabaho ni Calixto ay sumailalim na rin sa swab test at pinayuhan na mag-quarantine ng dalawang linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,