15

Apr 8, 2021 @ 22:48
By

Pasay libre cremation sa mga pumanaw sa COVID

Nag-aalok ang Pasay local government ng libreng cremation sa mga residenteng yumao dahil sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Emi Rubiano, makakatanggap ang lungsod ng bago at mabilis na crematory machine sa Abril 19.

Dahil sa bagong makina, aabutin lamang daw ang cremation process ng kalahati hanggang isang oras.

Sabi ni Mayor Rubiano, inaabot ng lima hanggang anim na oras ang cremation sa kanilang public crematorium dahil luma na ang mga makina nito.

Dagdag niya, umabot na sa 405 katao na nasawi sa COVID sa buwan lamang ng Marso ang na-cremate sa kanilang public crematorium.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?