55

Mar 16, 2020 @ 19:42
By

Pasay City nasa state of calamity na rin

Sinailalim na sa state of calamity ang Pasay City dahil sa pagtaas ng insidente ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.

Ito’y upang mabilisang makapaglabas ng pondo laban sa pagkalat ng virus.

Ayon sa Pasay City Health Office, kasalukuyang may dalawang kaso ng COVID-19 sa lungsod at siyam na persons under investigation (PUIs).

Naka-confine ang mga ito sa iba’t ibang ospital sa Pasay City. Mayroon ding 30 persons under monitoring (PUMs).

Nagpatupad na rin ng curfew ng 8 p.m. hanggang 5 a.m.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?