42

Mar 30, 2020 @ 21:41
By

Pasaway sa social distancing! ‘Corona party’ tinigil ng pulis

Sinugod ng mga pulis sa United States ang isang house party, na kinabibilangan ng 47 katao sa isang maliit na apartment, na sumuway sa pinatutupad na social distancing sa gitna ng coronavirus outbreak.

Sinagawa ang party sa isang apartment sa New Jersey noong Marso 27, ayon kay Governor Phil Murphy.

Kinasuhan na ang DJ at organizer ng party sa paglabag sa stay at home na inutos ng mga awtoridad.

Giit ni Murphy, hindi umano laro ang krisis na nangyayari at dapat na seryosohin ng lahat.

Sa kanyang tweet, nagbabala pa si Murphy sa mga lalabag sa kautusan:

“NO CORONA PARTIES. They’re illegal, dangerous, and stupid. We will crash your party. You will pay a big fine. And we will name & shame you until EVERYONE gets this message into their heads,” bahagi ng kanyang tweet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?