42

Apr 8, 2020 @ 12:36
By

Pasaway sa ECQ umabot na sa 93,242K

Umakyat na sa 93,242 mga indibidwal sa buong bansa ang naitala ng joint taskfForce COVID shield na lumabag sa ipinatutupad na ECQ.

Ito ang pinahayag ni PNP LT. Gen. Guillermo Eleazar.

Sa bilang na ito 53, 049 violators ay naitala sa Luzon, 17, 380 violators ay naitala sa Visayas habang sa Mindanao ay 22, 813 violators.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt Gen Guillermo Eleazar, 66,063 sa mga violators ay pinagsabihan lang at pinauwi na habang ang 4,392 ay pinagmulta dahil sa paglabag.

Nadagdagan rin at ngayon ay umaabot na sa 657 na indibidwal ang naaresto ng PNP matapos na mahuling nagho-hoard at nagbebenta ng overpriced medical supplies at mga pangunahing pangangailan ngayong nakakaranas ng krisis ang bansa dahil sa COVID 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?