25

By

Pasaway na Isabel Lopez, huwag tularan – NCRPO

Sharing is caring!

Suportado ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang rekomendasyon na suspendihin o kaya’y tuluyang kanselahin ang driver’s license ng dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez.

Ayon kay Police Director Oscar Albayalde, hepe ng NCRPO, dapat tuluyan ng parusa si Lopez dahil sa inasal nito para hindi na pamarisan at maipakita sa lahat na walang sasantuhin sa mga pasaway ngayong may ASEAN summit sa bansa.

Sa katayuan ni Lopez, sinabi ni Albayalde na dapat itong amging halimbawa sa pagsunod sa batas at mga panuntunan pero hindi nito ginawa.

“We strongly support the recommendation for the suspension or revocation of Ms. Ma Isabel Lopez driver’s license for violation of traffic rules and also for breach of security,”diin ni Albayalde.

“A person of her stature should be an example to the Filipino community but she did just the contrary,” dagdag nito.

Tinanggal ni Lopez ang cone barrier sa ASEAN Lane para makadaan.

“Any violations of the protocols and rules set forth by the ASEAN Task Forces shall not be tolerated,”pahayag ni Albayalde. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?