107

Dec 19, 2017 @ 15:26
By

Pasaway na celeb endorser namumuro sa negosyante

Posibleng kasuhan ng mabait na may-ari ng isang apparel ang kanilang celebrity endorser na lumabag sa kanilang kontrata.

Bilang ambassador ng kanilang produkto, inaasahan nila na ito ang ipo-promote nito na sa totoo ay ginagawa naman talaga ng kanilang endorser. Sa totoo nga, ni-renew pa nila ito dahil sa laking tiwala nila sa kakayahan nito na paangatin ang kanilang negosyo.

‘Yun nga lang, nalokah raw ang may-ari ng apparel na ‘yun nang makita nila sa isang Instagram post na iba ang suot nitong damit na parang walang kontratang pinirmahan.

Hindi lang ito, huh! Nakita rin ito na suot ang ibang brand sa isang TV show na talagang ikinalungkot at ikinagalit ng may-ari.

Pinagpaliwanag ng may-ari ang staff nila na naka-assign at nakatutok sa celebrity na ‘yun kung bakit nakalusot ang ganitong kadema-demandang pangyayari.

Wala na ang post na unang kasalanan ng endorser pero na-screen shot na ito ng may-ari pati ang TV guesting nito na kalabang brand nga ang suot.

Hindi pa alam ng staff kung ano ang gagawin nila rito. Kasuhan na kaya? (Glen Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?