14

Pasaol, Varilla pambala ni Silva sa UE

Sharing is caring!

Dadalhin ni coach Joe Silva ang diskarteng nagbigay sa kanya ng UAAP Season 80 juniors title sa Ateneo de Manila Blue Eaglets sa pagtimon namang ngayon sa University of the East (UE) Red Warriors sa pagbubukas ng panibagong season ng liga simula Setyembre 8 sa MOA Arena.

Papalitan ni Silva sa Red Warriors si dating head coach Derrick Pumaren at umaasa siyang magiging maganda ang kanilang pakita sa paparating na liga.

Muling tatrangko sa opensa ng Red Warriors si Alvin Pasaol, na sinabing parang tropa ang pakikitungo sa kanila ng bagong coach na si Silva dahil hindi umano nagkakalayo ang kanilang mga edad.

Makakatuwang ni Pasaol sa kampanya ng UE sina Philip Manalang, Jason Varilla at Wilson Bartolome.

Unang makahaharap ni Silva at ng Red Warriors si Bo Perasol at ang University of the Philippines Fighting Maroon sa darating na Sabado. (Aaron Brennt Eusebio)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,