7

May 9, 2021 @ 18:56
By

Pasaol makakasali na sa praktis ng 3×3 team

Buong na ang pwersa ng Pilipinas 3×3 men’s basketball team sa muling pagbubukas ng kanilang ensayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ito ay dahil sa pagpasok ni Alvin Pasaol sa naturang ensayo. Si Pasaol ay hindi nakasama sa unang linggo ng ensayo ng koponan dahil hindi pa niya nakumpleto ang kinakailangang health and safety protocol noong mga panahong sinimulan ang ensayo.

“Right now there has been an agreement with the roster that we’ll continue our Zoom workouts, but we also instructed them to find a playing court where they could practice individually,” pahayag ni 3×3 coach Ronnie Magsanoc.

“What’s important is to stay in shape and be ready for the elite competition come the OQT,” dagdag pa niya.

Si Pasaol lamang hindi nakadalo sa unang bahagi ng kanilang ensayo. Sina Moala Tautuaa, CJ Perez, Joshua Munzon, Leonard Santillan at Karl Dehesa ay nakasama sa naturang pagsasanay.

Ang ensayo ay bahagi ng kanilang preparasyon para sa darating na Olympic Qualifying Tournament na gaganapin ngayong Mayo 26 hanggang Mayo 30 sa Austria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?