47

By

Pasaol, Desiderio, hinog na sa PBA

Tingin ng mga coach ng UAAP, handa nang sumabak si Alvin Pasaol sa PBA.

Dahil sa scoring at rebounding ability, nakikita nila ang potensyal ng fifth-year forward sa professional league.

“Galing niya. ‘Yung mga rebound niya parang akala mo 6-foot-10 siya pero 6-foot-3 siya. Yung mga tira niya sa loob, tira ng mga big man yun,” sabi ni Ateneo assistant coach Ford Arao.

“I think Pasaol has so much more that he could give because of his height and heft. He’s more of an all-around player and plays different positions,” sabi ni FEU head coach Olsen Racela.

Pati na rin mismong UE head coach na si Joe Silva ay bilib din sa kanyang kakayahan at ang sinabi niyang, “the way he has been playing, he deserves to go to the PBA Draft”.

Ngunit pokus muna si Pasaol sa UE Red Warriors dahil may apat pa silang natirirang laban ngayong season.

“Hindi ko pa pinag-iisipin yun. Gusto ko muna maglaro sa UE at sa PBA D-League para masanay ako on how the way PBA plays,” giit ni Pasaol.

Bukod kay Pasaol, usap-usapan na ring handa na si UP Maroon Paul Desiderio na pumasok sa PBA.

“Desiderio is a lights-out shooter, so malaking asset din diya sa any PBA teams,” paliwanag din ni Racela.

“He has to be PBA-ready. This is his last chance, and I think he has what it takes to succeed in playing in the PBA,” pahayag ni UP head coach Bo Perasol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?