44

Oct 4, 2017 @ 14:37

Pasalubong system sa Customs nakumpirma

Inamin kahapon sa Senado ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña na totoo nga ang sistema ng pasalubong sa ahensiya.

Sa ika-11 pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa P6.4 billion na shabu shipment, inihayag ni Lapeña na ang tax credit certificates (TCC) ang isa sa source ng pasalubong sa ahensya.

Sinabi ni Lapeña na nakatanggap na siya ng TCC may dalawa hanggang tatlong linggo ang nakalipas at nang malaman nya na ito ay para sa pasalubong ay agad niya itong ipina-recall.

“Two to three weeks ago, i started receiving bundles of folders for tax credit certificates and I signed it. It has been processed, it is legitimate and then is signed and released. A concerned personnel came to my office and told me that its the source of pasalubong,” saad ni Lapeña.

Ang TCC ay mga refund na ginagamit para na pambayad sa duties.

Lumutang din sa pagdinig ang isang itinuturing na bagman sa BOC na si Mae Escoto na contractual employee sa ilalim ng Intelligence Service ng Customs.

Sinabi ni Escoto na may tatlong beses siyang inutusan ng kanyang head na si Joel Pinawin para makipag-ugnayan kay Mark Taguba para sa “tara” nito at ni Director Neil Estrella dating pinuno ng Customs Intelligence and Investigation Service.

“Hindi bababa sa P50,000 kay Dir. Estrella at yung kay Joel (Pinawin) ay naglalaro ng P10,000 to P20,000,” pahayag ni Taguba hinggil sa ibinibigay nitong tara sa dalawang opisyal.

Harapan naman itong itinaggi nina Pinawin at Estrella at iginit na wala silang iniuutos kay Escoto.

Hindi pa rin dumalo sa pagdinig si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldion kaya’t mananatili ang contempt sa kanya ng komite upang hindi pa rin ito makalabas sa detention cell.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?