MRT LRT1 LRT2 LRT3

Pasaherong magbubukas ng pinto ng MRT, kakasuhan – Tugade

Sharing is caring!

Kakasuhan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pasahero na magpupumilit na buksan o kaya ay sasandalan ang pintuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3).

Direktiba ito ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa pangasiwaan ng MRT3.

Ayon sa kalihim, dahil sa napupuwersang pagbubukas ng pintuan ng MRT3 habang bumibiyahe, nagkakaroon ito ng aberya at nahihinti ang byahe.

Nabubuksan aniya ang pintuan dahil sa kawalan ng disiplina.

Dahil marami ritong napeperwisyo, sinabi ni Tugade na dapat ding pagbayarin ng danyos ang makukulit na pasahero ng MRT3.

Nitong nakaraang Biernes, dalawang beses na nagkaroon ng aberya sa tren.

Sa isang insidente, nasira ang pintuan dahil pinuwersang buksan.

Isang pasahero umano ang nagpumilit na buksan ang pintuan dahil maiiwan.

Ipinatutugis ni Tugade ang pasahero para makasuhan.

Nagalit ang kalihim dahil iyon ang unang unloading incident sa MRT3 labing-isang araw mula noong Mahal na Araw kung kailan kinumpuni ang mga bagon at riles ng MRT3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?