136

By

Pasahero timbog sa pagdadala ng granada sa NAIA

Hindi nailusot ng isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang dala niyang granada matapos mabuking sa initial screening noong Biyernes.

Ayon sa ulat, itinago ni Deogracias Pulmano ang granada sa kaniyang backpack pero nasilip ito sa screening ng paliparan.

Walang naipakitang dokumento sa dala niyang granada si Pulmano kaya kinasuhan siya ng illegal possession of explosives.

Kasalukuyan nang nakadetine si Pulmano sa Philippine National Police Aviation Security Group sa NAIA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?