24

Oct 9, 2020 @ 13:51
By

Pasahero sobrang antok, laglag sa jeep

Sobrang antok umano ang isang lalaking pasahero kaya bigla na lang siyang nalaglag sa sinasakyang jeep sa Cavite.

Napaulat sa GMA’s Unang Hirit kaninang umaga, Oktubre 9, ang kuha ng CCTV ng pagkabagsak ng lalaki sa may Pala-Pala intersection, Dasmariñas.

Hindi siya agad nakatayo matapos mahulog sa kalsada.

Sumaklolo naman agad ang mga nakakitang concerned citizen at sinugod ang lalaki sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?