113

Oct 29, 2017 @ 13:15

Pasahero sa Manila North Harbor, dagsa na

Ilang araw bago ang Undas ay dagsa na ang mga pasahero sa mga barko sa  Manila North Harbor sa Maynila.

Sanib-puwersa ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Philippine Maritime Authority, PNP-Maritime Unit, Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Jail Management and Penology para tiyakin anmg ligtas na paglalakbay ng ating mga kababayan pauwi ng mga lalawigan.

Ang mga naturang puersa ay kabahagi ng “Oplan Ligtas Biyahe Undas 2017” na ang layunin ay maiwsan ang anumang aberya o gulo sa mga pantalan habang dagsa ang mga magbabakasyon.

Sila rin ay magbabantay ng mga dala-dalang gamit ng mga pasahero ng barko, lalo na ang pagsiguro na walang mga ipinagbabawal na kargamento ang maipupuslit sa barko.

Karamihan sa mga pasahero na nakaantabay ngayon sa Manila North Harbor ay mga pauwi ng Cebu, Dumaguete, Ilo-ilo  at Zamboanga City.

Nasa mahigit limang libo na ang naitatalang pasahero ngayong araw na ito sa Manila North Harbor. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?