25

May 31, 2020 @ 10:44
By

Pasahero paghandaan ang tagal ng biyahe

Isa sa dapat paghandaan ng commuters na magbabalik trabaho bukas, (Lunes) ay ang tagal ng biyahe.

Tiyak na aabutin ng siyam-siyam sa daan ang mga pasahero kung Metro Rail Transit 3 (MRT 3) at ilang bus na papayagan bumiyahe ang kanilang sasakyan.

Ito’y dahil limitado lamang ang magiging pasahero ng nasabing bibiyahe.
Naglatag ang Department of Transportation (DOTr) ng regulations sa mga pampasaherong sasakyan na ipatutupad pa rin ang physical distancing upang maging panangga sa COVID-19 kapag naibaba sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila ngayong June 1.

Asahan ng mga pasahero ang mahabang pila sa MRT 3 o bus.

Kalahati lang ng seating capacity ng bus ang puwedeng upuan ng mga pasahero habang nasa 12 percent lang ang maaaring maging pasahero ng MRT 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?