82

By

Pasahero ng taxi, arestado sa nilokong tsuper

Sharing is caring!

Nanlumo ang isang taxi driver matapos hindi bayaran ng pasahero na kanyang isinakay ng mahigit dalawang oras sa Lungsod ng Maynila.

Wala pang tulog, walang kain at wala pang pambayad ng boundary ang taxi driver na si Jose Amboy nang dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) Station 4.

Sa reklamo niya, ang pasahero na nanggoyo sa kanya ay hindi nagbayad ng pamasahe na aabot sa mahigit P1,000.

Kuwento ng 67-anyos na biktima, pasado alas-siyete ng gabi nang sumakay sa kanya ang suspek na si Joseph Cruz kasama ang kaibigan nito sa Lacson St., Sampaloc at nagpahatid papunta ng Las Piñas.

Mula Las Piñas, nagpahatid ang pasahero pabalik ng Lacson, at mula sa Lacson, muling nagpahatid sa Mindanao Avenue Extension.

Galing Mindanao Extension, gusto na naman ng suspek na magpahatid sa isang hotel sa España, Maynila pero nagpasya na ang driver ng taxi na idaan ang pasahero sa himpilan ng pulisya kung saan hinuli ang suspek at ipinagharap ng kaukulang reklamo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?