11

Jan 11, 2022 @ 16:25
By

Pasahero ng MRT sumalang sa random antigen test; 6 positibo sa Covid 19

Anim na pasahero ng Manila Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang random antigen test nitong Martes.

Isinagawa ang random testing sa North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard at Taft Avenue station, ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB.

Dahil dito, hindi pinayagan ang mga nagpositibong pasahero na sumakay ng tren upang hindi na makahawa ang mga ito.

Pinayuhan din ang anim na kontakin ang kanilang lokal na pamahalaan.

Samantala, hindi rin naka-iwas sa Coronavirus ang 147 na empleyado ng MRT-3 matapos sumailalim ang mga ito sa RT-PCR test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?