42

By

Pasahero ‘naeskoba’ sa Victory Liner

Sharing is caring!

Tinangay ng hindi pa nakikilalang kawatan na hinihinalang miyembro ng ‘Escoba Gang’ ang mamahaling cellphone at salapi ng isang ginang makarang makatulog sa bus terminal ng Victory Liner sa Quezon City, nitong Sabado ng hatinggabi.

Kinilala ni P/Insp. Jerryzaldy R. Tugbo, hepe ng Investigation Section ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, ang biktima na si Bernardita Morales Banda, 53-anyos, self-employed (personal trainor) at residente ng Blk 40, Lot 27, Lagro Subd., Brgy. Greater Lagro, QC.

Batay sa inisyal na report, dakong alas-12:00 ng hatinggabi (October 13), habang naghihintay ng biyahe ang biktima ng bus ay nag-charge muna ito ng kanyang cellphone sa charging station ng bus terminal ng Victory Liner na matatagpuan sa EDSA Southbound malapit sa kanto ng New York St., Brgy. Pinagkaisahan ng nasabing lungsod.

Suibalit dahil sa matinding pagod ay nakaidlip umano ang biktima at nang magising ay wala na ang naka-charge niyang cellphone na unit ZHK K10 New Gold na may kulay asul na case na naglalaman ng mga calling cards at P1,000 cash.

Agad na inireport ng biktima ang pagkawala ng kanyang cellphone sa security guard ng bus terminal na nakilala lamang sa pangalang Calso, subalit pinayuhan siya na magtungo na lamang ito sa himpilan ng pulisya upang ipa-blotter ang nangyaring insidente.

Ayon sa pulisya, posibleng miyembro ng ‘Escoba Gang’ ang tumangay sa gamit ng biktima. “Umaali-aligid lang ang mga ‘yan at kadalasang binibiktima nila ay iyung mga nakakatulog sa biyahe,” ayon kay Tugbo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?