519

Jan 16, 2019 @ 11:53
By

Pasahero ayaw magpasiksik, nag-eskandalo sa jeep

Dahil ayaw magpatabi, nagkasagutan ang tatlong pasahero sa loob ng jeep.

Nakita sa kuhang video na naninigaw ang isang lalaki dahil pinilit umanong umupo ng isa pang pasahero sa kanyang tabi gayong wala na raw itong espasyo.

Kanyang sinabihan ng ‘walang modo’ ang dalawang pasahero, ang isa sa kanyang katabi, dahil sa paniniksik umano nito.

Ang video ay nag-viral ilang buwan na ang nakararaan na ni-repost ng Facebook page na Kamote PH, ngunit muling lumutang matapos ibahagi ng netizen na si Robertzon Ramirez ang halos kaparehas na nangyari sa kanya.

“Ganito kanina yung eksena sa jeep. Mangiyak-iyak talaga ako kasi pinagalitan ako ni kuya kasi nakisiksik daw ako. Nag sorry ako sa kaniya kasi ayuko ng gulo, nagalit siya kasi hindi daw sincere yung sorry dapat daw PASENSYA NA PO. Para walang gulo at ayaw ko ng eksena, sinabi ko na lang pasensya na po,” saad sa caption ni Ramirez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?