31

Jun 8, 2021 @ 10:05
By

Pasado sa thesis! Jodi malapit na grumaduate

Masayang ibinahagi ng aktres na si Jodi Sta. Maria na magtatapos na siya sa kolehiyo.

Ito’y matapos niyang maipasa ang kanyang thesis defense sa kursong BS Psychology sa Southville International School and Colleges.

“Wanted to share this with all of you! I passed my final defense this afternoon. Being grilled for more than 3 hours was no joke, but I must say all the sleepless nights, the sacrifices, the hours spent in front of the computer to source out materials for my paper, were so worth it. Marching soon!!” sey ni Jodi.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagdasal at nagpalakas ng loob niya habang nag-aaral.

2017 nang ilantad ni Jodi na bumalik siya sa pag-aaral at balak makakuha ng master’s degree.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?