91

Oct 4, 2017 @ 17:27

Pasabog ni Trillanes, ampaw! – Malacañang

Walang bago at ampaw o walang laman ang bagong pasabog ni Senador Antonio Trillanes IV laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang bagong impormasyon ang senador at maingay lamang ito.
“The privilege speech of Senator Antonio Trillanes IV had nothing new to offer by way of information or insight.In the end, Senator Trillanes’ “expose” was as empty as the hall he spoke in,” ang pahayag ni Abella.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng Palasyo na paninindigan nila ang posisyon ng Anti-Money Laundering Council na hindi sila ang naglabas ng mga bank records ni Pangulong Duterte.

Bukod dito sinabi ng opisyal na galing mismo sa AMLAC na hindi tama at misleading ang kabuuang halaga ng sinasabing deposito sa bangko.

“We stand by the official statement of the Anti-Money Laundering Council (AMLC) that it is not the source of documents attached by Senator Trillanes in his complaint. Further, the AMLC mentioned that the total amount of the alleged bank accounts are wrong and misleading, ” dagdag na pahayag ni Abella.

Kaugnay naman ipinakitang litrato ni Trillanes ng isang Daniel “snooky” Cruz na umanoy pinagmulan ng impormasyon ng mga off shore accounts nito, sinabi ni Abella na walang napatunayan anf mga ito kahit pa kasama sa picture si Pangulong Duterte at ibang opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Abella na halatang kinuha ang mga larawan sa social media. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?