97

Sep 8, 2021 @ 15:40
By

Pasabog ni Cristy: Paolo at Yen nga ang nasa viral video

Kinumpirma ni radio host at showbiz writer Cristy Fermin na sina Yen Santos at Paolo Contis nga ang naispatan na magkasama kamakailan sa Baguio City.

Ito ang pasabog ni Cristy sa programa niyang ‘Cristy Ferminute’ sa Radyo Singko 92.3 News FM.

Aniya, isang reliable source ang nagsiwalat sa kanya tungkol sa kumakalat na video at larawan sa social media.

“Kumpirmado po ‘yung lumabas na larawan nina Yen at ni Paolo na nagsimba po sa Manaoag, sila po talaga ‘yun. Sila talaga ‘yun kahit ‘yung kumakain na magkatabi sa isang restaurant, sila po talaga ‘yun,” pahayag ni Cristy.

Ipinaliwanag na rin ni Cristy kung bakit magkasama ang dalawa. Sinabi rin niya na nangyari ito matagal na pagkatapos ang hiwalayan nina Paolo at LJ Reyes.

“Nagkayayaan lang daw si Paolo at si Yen na magsimba sa Manaoag (Pangasinan) at siyempre pagkasimba kakain. Pero ng maganap po ‘yan matagal na pong hiwalay si Paolo at si LJ, ‘yun naman ang malinaw diyan,” paglilinaw nito.

Kaya naman itinanggi ng radio host ang usapin ng third party bilang dahilan ng hiwalayan nila Paolo at LJ.

“Kumbaga hindi na po siya (Yen) naging third wheel, hindi po siya ikatlong bahagi o third party kasi hindi po niya pinasok ‘yung relasyon nina Paolo at LJ,” aniya.

“Nasa labas na po si Paolo nang sila ay magtambal sa pelikulang ‘A Faraway Land.’ Nasa labas na rin po ng relasyon si Paolo nang pumunta sila sa Manaoag para magdasal at kumain sa labas,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?