328

Sep 21, 2021 @ 19:12
By

Pasabog! Isko para pangulo, Doc Willie for VP

Kinumpirma ni Manila PIO Chief Julius Leonen ngayong Martes na tatakbong pangulo sa 2022 si Mayor Isko Moreno.

Bagamat halos ‘di na kagulat-gulat ang pagtakbo ni Moreno, nakakagimbal naman ang pag-anunsyo sa kanyang running mate – si Doc Willie Ong.

Si Ong ay tumakbo nang senador noong 2019 ngunit nabigong makapasok sa Magic 12.

Kilala ng publiko si Ong bilang doktor na nagbibigay ng payong medisina sa social media.

Samantala, si Moreno ay isa sa mga matunog na pangalang tatakbo sa isang national position sa susunod na taon.

Gayunpaman, ang pormal umanong anunsyo ng kanilang tandem ay magaganap sa Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?