15
deng-mess

Parusahan sina Garin, Abad sa Dengvaxia mess – JV

Sharing is caring!

Naniniwala si Senador JV Ejercito na bagama’t guilty sa pagpapabaya si dating Pangulong Benigno Aquino III, ang dalawang miyembro ng gabinete nito ang siyang dapat managot sa Dengvaxia mess na naglagay sa peligro sa mahigit isang milyong bata.

Ito ang naging reaksiyon ng senador sa inilabas na draft Blue Ribbon Committee Report sa Dengvaxia.

Ayon sa kanya, bilang pinuno ng Committee in Health, higit na inaalala ni Ejercito ang kalusugan ng may 830,000 bata na nabakunahan ng Dengvaxia bukod sa minadaling pagbili ng nasabing dengue vaccine.

Dapat umanong mas naging tutok si Aquino sa halip na hinayaan sina dating Health sec. Janette Garin at dating Budget sec. Butch Abad na ituloy ang pagbili ng kontrobersiyal na bakuna.

Lumabas kasi sa pagdinig na principal conspirators lang sina Garin at Abad sa maanomalyang pagbili ng bakuna.

“I believe that while former President Benigno Aquino III is guilty of negligence for not exercising due diligence, it is his two Cabinet members who should be primarily held liable for the Dengvaxia mess that has endangered the lives of almost 1 million children,” anang senador.

Si Garin ang siyang nagrekomenda ng pagbili sa P3.5 bilyong bakuna habang si Abad ang nag-apruba at naglabas ng pera sa pagbili na hindi dumaan sa congressional approval.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?