2
dick-gordon
By

Parusa sa abusadong mining firms, pinabibigatan ni Gordon

Sharing is caring!

Inihain ni Senador Richard Gordon ang panukalang batas na naglalayong pabigatin ang multa na babayaran ng mga kumpanya ng pagmimina na lalabag sa environmental standards.

Sa kaniyang Senate Bill No. 1633, itataas sa P500,000 hanggang P2 milyon ang lalabag sa Presidential Decree 1586 o Environmental Impact Statement Law.

Kakanselahin din ang Environmental Clearance Certificate (ECC) kapag lumabag sa mga regulasyon ng National Environmental Protection Center.

Sa ngayon, P50,000 ang pinakamalaking multa sa ahensya ng gobyerno at pribadong kumpanya o korporasyon na makakasira sa kalikasan ang operasyon.

Batay pa ito sa Presidential 1586 o Environmnetal Impact Statement Law na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noon pang 1978.

Ayon kay Gordon, bukod sa multa, iginigiit din niyang ipasagot sa sumisira ng kalikasan ang rehabilitasyon at pagsasaayos sa idinulot nilang pinsala.

“We have to raise the penalty for mining violations. The fines provided for in Presidential Decree 1586 have to be updated because the maximum penalty of P50,000 (and in some instances, a paltry P25,000) is not realistic anymore,” pahayag ni Gordon.

“This is why I am also proposing that the violator be made to shoulder the full cost of the rehabilitation, reparation or restoration of the damage caused by their violation,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?