269

Jul 5, 2018 @ 18:05
By

Parusa ng FIBA sa Nationals, masasaklaw hanggang PBA?

Mukhang namumuro din ang Gilas Pilipinas players sa PBA.

Anuman ang desisyon ng FIBA sa siyam na Nationals na napatalsik ng playing court ng Philippine Arena sa basketbrawl kontra Australia, malamang ay masasaklaw ang estado nila sa pro league.

Case in point: Ang kaso ni Kiefer Ravena.

Pinatawan ng FIBA si Ravena ng 18-month suspension sa paglalaro matapos magpositibo sa banned substance.

Dahil saklaw ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang PBA, hindi rin makapaglaro si Ravena sa NLEX habang binubuno ang suspension.

Sa nangyaring riot noong Lunes sa Bocaue – pinakamagulo sa basketball sa buong mundo sa kasalukuyan – nangangamoy suspension ang siyam na Filipinos at apat na Australians.

Mabuti kung multa o suspension ng ilang laro lang ang ipataw sa players na sangkot. Iniimbestigahan ng FIBA ang gulo, sa mga susunod na araw pa inaasahan ang desisyon.

Maliban kina naturalized Andray Blatche at Gilas cadet Troy Rike, puro PBA players na ang nasa Gilas ni coach Chot Reyes.

Kasama sa mga napatalsik sa laro sina Roger Pogoy, Jayson Castro, Troy Rosario at Terrence Romeo ng TNT KaTropa, Calvin Abueva at Carl Bryan Cruz ng Alaska, Japeth Aguilar ng Ginebra, at Matthew Wright ng Phoenix.

Nasa Gilas din sina Allein Maliksi ng Blackwater, Jio Jalalon ng Magnolia, June Mar Fajardo ng San Miguel, Gabe Norwood ng Rain or Shine at Baser Amer ng Meralco. Sina Fajardo, Norwood at Amer lang ang naiwan sa court dahil hindi nakisali sa gulo.

Ipinatawag ng tanggapan ni Commissioner Willie Marcial ang Nationals kahapon para sa isang closed-door meeting. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?