53
anthony-davis
Feb 9, 2019 @ 19:49
By

Parusa? Davis bangko sa fourth quarter

Walang naging problema sa performance ni Davis sa muling pagbabalik-laro para sa New Orleans Pelicans, ngunit ang nakapagtataka ay ang biglaang pagpapaupo sa kanya sa crucial fourth quarter.

Lamang lang ng dalawa ang Pelicans papasok ng huling canto, 90-88, dapat sana’y masasandigan ang six-time NBA All-Star na si Davis sa closing minutes ngunit hindi nasulyapan ang anino nito sa court.

Sa 25 minutong salang nito, nakapag-ambag ang 6-foot-10 forward ng 32 points at nine rebounds, ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang pambo-boo ng fan ng pinaglalaruang koponan.

Bagama’t naibulsa ng Pelicans ang panalo, 122-117, hindi nakaligtas sa media ang ginawang pambabangko ni New Orleans head coach Alvin Gentry sa star forward.

Saad ni Gentry, limitado umano ang ibibigay na minuto kay Davis, mula 22-25 minuto lang kada laro.

“AD and I talked pregame about playing 22-25 minutes,” pakli ni Gentry. “That’s why he didn’t go back in the game.”

Hindi inilahad ni Gentry ang dahilan sa pagbakod sa minuto ni Davis, posibleng dahil sa natamong sprained left finger noong January 18. Nagkaroon din ito ng isyu tungkol sa paghiling nito ng trade sa Pelicans ilang linggo na ang nakararaan.

Napabalitang posibleng magmulta ang New Orleans kung sakaling igagarahe si Davis, ngunit kailangan ding pangalagaan ang kalusugan para hindi bumaba ang trade value sa susunod na summer, at kung ganito ang magiging siste, posibleng marami pang laro na maglimlim sa bench ang 25-anyos na athlete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?