15

Dec 1, 2020 @ 14:45
By

Party ni Jake Paul kinainis ng Mayor

Matapos manalo sa laban kontra former NBA Slam Dunk champion Nate Robinson, nag-party agad si Jake Paul sa mansyon nito sa Calabasas.

Marami ang dumalo sa nasabing selebrasyon na puro walang suot na mask na ikinagalit ng Mayor ng Calabasas.

May batas sa Calabasas na may multa na $100 ang hindi magsusuot ng mask sa mga pampublikong lugar.

Ayon pa kay Mayor Alicia Weintraub, dapat mahiya si Paul sa kanyang ginawa dahil hindi na nito inisip na may pandemya.

Dagdag pa rito, maaaring maparusahan si Paul sa isinagawa nitong party, may posibilidad na ito’y magmulta dahil sa kanyang kapabayaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?